Holy Communion

“And when he had given thanks, he cut it in pieces, and said, This is my body that was cut in pieces for you: do this in remembrance of me.” – 1 Corinthians 11:24

In this message, I want to emphasize why we need Communion or the Holy Supper. Just as we need to repent, be baptized in water in the name of Jesus Christ, and receive the Holy Spirit, just as we need to pray without ceasing and go to church to worship and to have fellowship with our brothers and sisters in the Lord, we need the “Holy Supper”, also known as Communion (1 Corinthians 10:16), or Breaking the Bread (Acts 2:42; 20:7).
The Eucharist, from the Greek eukaristeo, “giving thanks”, which Christ did at the time of its establishment (Matthew 26:26-27). The Lord’s Supper is a simple celebration, where Christians eat unleavened bread together and drink grape juice. This is done collectively, as they gather for that very purpose.
Why do we need the Lord’s Supper?
Aside from this was established by the Lord Himself (Matthew 26:26-28), it was commanded by the Lord to be performed in remembrance of His death (1 Corinthians 11:24-25). But there is an even stronger reason and a greater promise if we abide by it.
The Holy Communion was first performed on the feast of Passover as the last supper of Christ with His disciples, after which the disciples continued on the day of resurrection, which is the first day of the week, which is Sunday. Christians came together for the “breaking of bread” (Acts 20:7). The church in Corinth gathers together to participate in the Lord’s Holy Supper, but there are some who abuse it, they eat and drink unworthily (1 Corinthians 11:17-22). They consider communion common and some actually eat and drink beyond its proper purpose. The Lord’s instruction is to do this in remembrance of His death, examining themselves to see if they are worthy to eat or drink. Thus, it is not performed every Sunday but at the appointed time so as not to lose its solemnity and sanctity.
There are bible scholars who confirmed the practice of the early believers as we have already said, that the celebration of the Lord’s Supper was still held as an important part of divine worship. This ordinance is administered on the Lord’s Day, and probably no one who professes to be a Christian abstains from this event.
Note Paul’s account of why it is important to celebrate. The Lord Himself gave and says that it is as a memorial (1 Corinthians 11:23-25,29), that we eat the bread in remembrance of His body and we drink the cup in remembrance of His blood and remember the death of Jesus on the cross (Matthew 26:28). His death made way to establish the New Testament and because of this, we have the hope of salvation. For this grace, we are grateful because even though we are not worthy, He made us worthy and saved us through His body and blood. Consequently, it must be done “until He comes.”
If we don’t believe He is coming, then why is the Lord’s Supper necessary? Is not the proclamation of the Lord’s redemption and return worthy of faithful fulfillment? His blood was shed for our freedom from sin and for our forgiveness (Ephesians 1:7), His body was broken for our healing. His suffering, death, and bloodshed are worthy of faithful celebration. What He did on Calvary is so important, that we should not forget it. That’s why we always remind ourselves by our coming together for the breaking of bread. It is also practiced as a time of meditation or searching for one’s spiritual condition (1 Corinthians 11:28-32).
Here we examine ourselves and discern the Lord’s body. We are the ones to judge ourselves so that we are not judged for our shortcomings. Do we live in a way that shows appreciation for His sacrifice? By accepting God’s grace in our lives? (2 Corinthians 5:18-6:1). By living for Jesus who died for us? (2 Corinthians 5:14-15; Galatians 2:20). Or, do we live in a way that shows indifference to His sacrifice? By willful sin (Hebrews 10:26-29)? By refusing to repent (Hebrews 6:4-6)? Is not the time for such meditation worthy of faithful observance?
Communion is a fellowship or sharing in the blood of Christ (1 Corinthians 10:16). As we partake we come into contact with the blood of Christ. Perhaps in the spirit of affirming the blessings we enjoy through the blood of Christ. It is also a fellowship or participation in the body of Christ (1 Corinthians 10:16).
The early Christians “continued steadfastly” in their obedience. Just as they did in the doctrine of the apostles, in fellowship and prayer (Acts 2:42). Today’s Christians should not forget the importance of the Lord’s Supper. In memory of the great sacrifice, Jesus paid for our sins. As an expression of our faith in the Lord’s death and His return. As a time of reflection and rededication of our service to the Lord. As solidarity or participation in the body and blood of the Lord. Do we appreciate them?
“Lord, thank you for Your sacrifices that Your blood was shed and Your body was wounded so that I could be saved. Let me retain in my heart and mind Your goodness and always remember Your death by partaking in the Holy Communion. Amen.” God bless – Pr. Picar
Tagalog Interpretation

“At nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito’y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.” – 1 Corinto 11:24
Sa mensaheng ito, hangad kong bigyang-diin kung bakit kailangan natin ang Komunyon o Banal Na Hapunan. Kung papaanong kailangan nating magsisi, magpabautismo sa tubig sa pangalan ni Jesucristo, at tumanggap ng Espiritu Santo, kung papaanong kailangan natin manalangin ng walang patid at magsimba upang sumamba at makipag-fellowship sa mga kapatid sa Panginoon, kailangan natin ang “Banal Na Hapunan”, na kilala rin bilang Komunyon (1 Corinto 10:16), o Paghahati-hati ng Tinapay (Gawa 2:42; 20:7).
Ang Eukaristiya, mula sa Griyegong eukaristeo, “pagbibigay ng pasasalamat”, na ginawa ni Kristo sa panahon ng pagkakatatag nito (Mateo 26:26-27). Ang Banal na Hapunan ng Panginoon ay isang simpleng gawain, kung saan ang mga Kristiyano ay sama-samang kumakain ng tinapay na walang lebadura, at uminom ng katas ng bunga ng ubas. Ginagawa ito nang sama-sama, habang sila ay nagtitipon para sa mismong layuning iyon.
Bakit kailangan natin ang Banal na Hapunan ng Panginoon?
Maliban sa ito ay itinatag ng Panginoon Mismo (Mateo 26:26-28), ito ay iniutos ng Panginoon na isagawa bilang pag-alaala sa Kaniyang kamatayan (1 Corinto 11:24-25). Ngunit mayroon pang mas matibay na dahilan, at isang mas malaking pangako sa pagpapanatili nito. Ang Banal na Hapunan ay unang isinagawa ng piesta ng paskua (passover) bilang huling hapunan ni Kristo kasama ng mga alagad, pagkatapos nito ay ipinagpatuloy na ng mga alagad sa araw ng pagkabuhay, ito ay ang unang araw ng isang linggo, ito ay Linggo. Ang mga Kristiyano ay nagsama-sama sa upang “maghati-hati ng tinapay” (Gawa 20:7).
Ang iglesia sa Corinto ay nagsasama-sama upang makilahok sa Banal na Hapunan ng Panginoon, kaya lang may mga ilan na nag-abuso nito, sila ay nagsisikain at nagsisiinom ng hindi karapat-dapat (1 Corinto 11:17-22). Kanilang itinuring ang komunyon na pangkaraniwan at ilan pa ay talagang nagkakainan at nagiinuman ng higit sa nararapat na layunin nito. Ang tagubilin ng Panginoon ay isagawa ito bilang pag-alaala sa Kaniyang kamatayan na sinasaliksik ang mga sarili kung karapat-dapat na kumain o uminom. Kaya ito ay isinasagawa hindi tuwing Linggo kundi sa itinakdang panahon upang hindi mawala ang kataimtiman at kabanalan nito. Kinumpirma ng mga relihiyosong iskolar na ito ang kaugalian ng mga naunang mananampalataya tulad ng nasabi na natin, na ang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon ay ginanap pa rin bilang isang mahalagang bahagi ng banal na pagsamba.
Ang ordenansang ito ay pinangangasiwaan sa araw ng Panginoon; at malamang na walang nag-aangking siya ay Kristiyano na lumiliban sa ganitong gawain. Pansinin ang ulat ni Pablo kung bakit ito ay mahalagang ipagdiwang. Ibinigay ng Panginoon Mismo at sinasabi na ito ay bilang memorial (1 Corinto 11:23-25,29), na kumakain tayo ng tinapay bilang pag-alaala sa Kanyang katawan at iniinom natin ang saro bilang pag-alaala sa Kanyang dugo at ginugunita ang pagkamatay ni Jesus sa krus (Mateo 26:28). Sa Kaniyang kamatayan ay naging daan upang maitatag ang Bagong Tipan at dahil dito tayo ay nagkaroon ng pag-asa ng kaligtasan. Sa biyayang ito tayo nagpapasalamat dahil kahit tayo ay hindi karapat-dapat ay Kaniya tayong ginawang marapat at iniligtas sa pamamagitan ng Kaniyang katawan at dugo. Dahil dito, ito ay dapat gawin “hanggang sa Siya ay dumating.” Kung hindi tayo naniniwala na Siya ay darating, kung gayon bakit kailangan pa ang Banal na Hapunan? Hindi ba ang pagpapahayag ng pagtubos at pagbabalik ng Panginoon ay karapat-dapat sa tapat na pagtupad? Ang Kaniyang dugo ay nabubo para sa ating kalayaan mula sa kasalanan at kapatawaran (Efeso 1:7), ang Kaniyang katawan ay nawasak para sa ating kagalingan. Ang Kaniyang pagdurusa, kamatayan, at pagbuhos ng dugo ay karapat-dapat sa tapat na pagdiriwang. Ganoon kahalaga ang Kaniyang ginawa sa kalbaryo, na hindi natin ito dapat na makalimutan. Kaya nga ating laging pinaaalalahanan ang ating sarili sa pamamagitan ng ating pagsasama-sama sa paghahati-hati ng tinapay. Ito ay isinasagawa din bilang panahon ng pagninilay-nilay o pagbubulay-bulay sa espirituwal na kalagayan ng isa (1 Corinto 11:28-32). Dito ating sinusuri ang ating mga sarili at bilang pagkilala (discern) sa katawan ng Panginoon. Atin ng hinahatulan ang ating sarili para hindi tayo husgahan sa ating mga pagkukulang. Namumuhay ba tayo sa paraang nagpapakita ng pagpapahalaga sa Kanyang sakripisyo? Sa pamamagitan ng pagtanggap sa biyaya ng Diyos sa ating buhay? (2 Corinto 5:18-6:1). Sa pamamagitan ng pamumuhay para kay Jesus na namatay para sa atin? (2 Corinto 5:14-15; Galatia 2:20). O tayo ba ay namumuhay sa paraang nagpapakita ng pagwawalang-bahala sa Kanyang sakripisyo? Sa pamamagitan ng sadyang pagkakasala (Hebreo 10:26-29)? Sa pamamagitan ng pagtanggi na magsisi (Hebreo 6:4-6)? Hindi ba ang oras para sa gayong pagmumuni-muni ay karapat-dapat sa tapat na pagtupad? Ang komunyon ay isang pakikisama o pakikibahagi sa dugo ni Kristo (1 Corinto 10:16). Habang tayo ay nakikibahagi ay nakikipag-ugnayan tayo sa dugo ni Kristo. Marahil sa diwa ng pagpapatibay ng mga pagpapalang tinatamasa natin sa pamamagitan ng dugo ni Kristo. Ito rin ay isang pakikisama o pakikibahagi sa katawan ni Kristo (1 Corinto 10:16).
Ang unang mga Kristiyano ay “nagpatuloy na matatag” sa pagsunod nito. Katulad ng ginawa nila sa doktrina ng mga apostol, sa Fellowship at panalangin (Gawa 2:42). Hindi dapat kalimutan ng mga Kristiyano ngayon ang kahalagahan ng Banal na Hapunan ng Panginoon. Bilang pag-alaala sa dakilang sakripisyong binayaran ni Jesus para sa ating mga kasalanan Bilang pagpapahayag ng ating pananampalataya sa kamatayan ng Panginoon at sa Kanyang pagbabalik. Bilang panahon ng pagninilay at muling pagtatalaga ng ating paglilingkod sa Panginoon. Bilang pakikiisa o pakikibahagi sa katawan at dugo ng Panginoon. Pinahahalagahan ba natin ang mga ito?
“Panginoon, salamat po sa Iyong mga sakripisyo na ang Iyong dugo ay nabubo at ang Iyong katawan ay nasaktan upang ako ay maligtas. Panatiihin Mo sa aking puso at isipan ang Iyong kabutihan at laging alalahin ang Iyong kamatayan sa pamamagitan ng pakikilahok sa Banal na Hapunan. Amen.” God bless – Pr. Picar
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *