True Worship

ColorNote

“Then took Mary a pound of ointment of spikenard, very costly, and anointed the feet of Jesus, and wiped his feet with her hair: and the house was filled with the odor of the ointment. of ointment.” – John 12:3
Shortly before Jesus was crucified, a woman named Mary poured a bottle of perfumed oil on His feet. Then, another marvelous thing she did, she anointed His feet with her hair (John 12: 3). Not only did Mary sacrifice what she had accumulated throughout her life, she also sacrificed her reputation.
In first-century Middle Eastern culture, respectable women never showed off their hair in public. But true worship is not concerned with what others think of us (2 Sam 6: 21-22). To worship Jesus, Mary did not think about what others would think, even if she was considered vulgar or immoral.
While Judas was sorry and he called it a waste. But to Mary, it was worship. It is time for us to know what we are doing for Christ, is it a waste or true worship? Some of us may struggle to be perfect in the eyes of others when we go to church so that people think well of us. In the same way, we try to do everything in an orderly and consistent manner. But a healthy church is a place where worship is the main thing. Like David, who did not pay attention to what anyone said in the kingdom because of the way he worshiped God. He also said, “I will not offer anything to the Lord that costs me nothing.” In the church, we must show our unconditional worship, in order to find favor with Him. Because, when you worship Him, He is completely glorified. Brethren, let’s worship the Lord with our offerings and sacrifices, not hesitantly nor under pressure.
“Thank you, Lord, for giving us Your life and saving us, teach us to give our best to You because You deserve it. Amen.” God bless. – Pr. Picar
Tagalog Interpretation

“Si Maria nga’y kumuha ng isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento.” – Juan 12:3
Di nagtagal bago ipako si Jesus, isang babae na nagngangalang Maria ang nagbuhos ng isang bote ng mahal na pabango sa Kanyang mga paa. Pagkatapos, nito isa pang kagilagilalas na bagay ang kaniyang ginawa, pinahiran niya ang Kanyang mga paa sa pamamagitan ng kanyang buhok (Juan 12:3). Hindi lamang isinakripisyo ni Maria ang kanyang naipon sa kaniyang buong buhay, isinakripisyo din niya ang kanyang reputasyon.
Sa kultura ng Middle Eastern noong unang siglo, ang mga kagalang-galang na kababaihan ay hindi kailanman inilalabas ang kanilang buhok sa publiko. Ngunit ang tunay na pagsamba ay hindi nababahala sa kung ano ang iniisip ng iba sa atin (2 Sam 6: 21-22). Upang sambahin si Jesus, hindi inisip ni Maria kung ano ang iisipin ng iba, pag isipan man sya na mahalay o immoral.
Samantalang si Judas, ay nanghihinayang at tinawag nya itong pag-aaksaya. Ngunit kay Maria ito ay pagsamba. Napapanahon na upang ating malaman kung ano ang ginagawa natin alang-alang kay Kristo, pag-aaksaya ba o tunay na pagsamba? Ang ilan sa atin ay maaaring nagpupumilit na maging perpekto sa paningin ng iba kapag nagpupunta tayo sa simbahan upang mag-isip ang mga tao ng mabuti sa atin. Sa katulad ding gawi, nagsisikap tayong gawin ang lahat ng may kaayusan at naayon. Ngunit ang isang malusog na iglesya ay isang lugar na kung saan ang pagsamba ay ang pangunahing bagay.
Katulad ni David, na hindi inalintana ang sasabihin ng sinoman sa kaharian dahil sa paraan ng kaniyang pagsamba sa Diyos. Kaniya ring sinabi, “I will not offer anything unto the Lord that costs me nothing.”
Sa simbahan, dapat nating maipakita ang ating walang reservation na pagsamba, upang makasumpong ng pabor mula sa Kaniya. Sapagkat, sa panahong Siya’y iyong sinasamba, Siya’y lubos na naluluwalhati.
Brethren, let’s worship the Lord with our offerings and sacrifices, not hesitantly nor under pressure.
“Salamat Panginoon, sa Iyong pagbibigay ng buhay at kami ay naligtas, turuan Mo kaming ibigay ang aming pinakada-best sa Iyo dahil ikaw ay karapat-dapat nito. Amen. God bless. – Pr. Picar
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *