“But the hour cometh, and now is, when the true worshipers shall worship the Father in spirit and in truth: for the Father seeketh such to worship him.” —John 4:23
Worship is important to God. Does worship matter to you? Often, someone comes to church, but not for worship. Sings songs, but does not worship. We listen to the sermon but do not worship. Giving but without worship. Serves in our ministry — but do not worship. All of these things are elements of worship, but you can do them all without truly worshiping God.
So “going to church” is different from “being the church to worship” Worship is a way of life, a “lifestyle.” It is a kind of daily living that pleases God, it is not done only on Sunday. It is the creature’s personal relationship with his Creator. We are commanded to, in our fellowship, perform the most important duty of man to God his Creator. Praise is different from worship. Worship is a personal matter, “It is done personally”. But it can also be done together, just as we are commanded to worship Him together (Psalm 95: 6).
Meanwhile, the declaration of the things God has done in our lives is praise. The expression of His glory is worship. So let us praise and worship Him. Here are the things to keep in mind in order to understand true worship:
1. Worship is the surrendering of our lives. Romans 12: 1 says to offer our bodies a living sacrifice, holy and pleasing to Him.
2. Worship Gives Focus on Him. True worship is a desire to honor God above all else. Worship is not based on our personal preferences, priorities, or dislikes. It is focused on Him. “It’s all about Him”
3. Worship is the separation of things that hinder our approach to Him. We must learn to let go of our worries, our opinions, our questions, and ourselves — so that we can worship with due dignity. It’s letting go of everything to gain Him.
4. Worship includes Personal Sacrifice. Worship can be easy when life is ok or we have had great success. But what if there is a test? It requires the sacrifice of our own feelings and fears or anxieties so that we can give Him the full attention due to Him (Heb. 13:15).
5. We should worship Him in spite of Pain and Loss. King David showed what it means to worship in the face of loss and pain. He prayed fervently, but his baby still died. Losing loved ones is a traumatic experience. But after the baby died, David arose and went into the house of the LORD and worshiped (2 Sam 12:20). David said, “I feel great pain, I have difficulty, but I am coming to You O God because I need You now more than ever.”
6. Worship is a Celebration of Who God Is and What He Has Done in Our Lives. Brethren, do not forget worship. That is why He created us and gave us the power to decide so that we can willingly appreciate, give thanks, and sincerely worship in His name – Jesus of Nazareth.
“Lord, I worship you and will continue to worship you because You are my God. I will glorify you in my word, in my mind, in my soul, and in everything I do. Amen.” God bless – Pr. Picar
Tagalog Interpretation
“Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.” – Juan 4:23
Ang pagsamba ay mahalaga sa Diyos. Mahalaga ba ang pagsamba sa iyo? Kadalasan, may pumupunta sa simbahan, ngunit hindi para sumasamba. Nagsiawit ng mga kanta, ngunit hindi sumasamba. Nakikinig tayo ng sermon, ngunit hindi sumasamba. Nagbibigay ngunit walang pagsamba. Nagsisipaglingkod sa ating ministry-ngunit hindi sumasamba. Ang lahat ng mga bagay na ito ay mga sangkap ng pagsamba, pero maaari mong gawin ang lahat ng mga ito ng walang tunay na pagsamba sa Diyos. Kaya nagkaiba ang “simba” sa “samba” Ang pagsamba ay isang paraan ng pamumuhay, isang “lifestyle.” Ito ay isang uri ng pang-araw-araw na pamumuhay na nakalulugod sa Diyos, hindi ito ginagawa tuwing araw lang ng Linggo. Ito ay personal na ugnayan ng nilalang sa kaniyang Manlilikha. Inutusan tayo na sa ating pagsama-sama ay maisagawa ang ang pinakamahalagang tungkulin ng tao sa Diyos na Kanyang Manlilikha.
Ang papuri ay iba sa pagsamba. Ang pagsamba ay personal na bagay, “It is done personally”. Pero pwede ring gawin ng samasama, yaman din lang na tayo ay inutusan na sambahin Siya ng sama-sama (Awit 95:6). Samantalang, ang paghahayag ng mga bagay na ginawa ng Diyos sa ating buhay ay papuri. Ang pagpapahayag ng pag luwalhati sa Kanya ay pagsamba. Kaya atin Siyang purihin at sambahin.
Ito ang mga dapat tandaan upang maunawaan natin ang tunay na pagsamba:
1. Ang pagsamba ay pagsuko ng ating buhay. Sinabi sa Roma 12:1 na ialay ang ating katawan na haing buhay, banal at kaaya-aya.
2. Ang Pagsamba ay Nagbibigay ng Pagtuon (Focus) sa Kaniya. Ang tunay na pagsamba ay pagnanais na igalang ang Diyos ng higit sa lahat. Ang pagsamba ay hindi nakabatay sa ating personal na kagustuhan, mga priyoridad o mga hindi gusto. Nakatuon ito sa Kanya.”It’s all about Him”
3. Ang Pagsamba ay paghahawi ng mga bagay na humahadlang sa paglapit sa Kanya. Dapat nating matutunan na alisin ang ating mga alalahanin, ang ating opinyon, ang ating mga tanong at ating sarili-upang makasamba tayo na may angkop na karangalan. It’s a letting go of everything to gain Him.
4. Ang Pagsamba ay may kalakip na Personal na Sakripisyo. Ang pagsamba ay maaaring maging madali kapag ok ang buhay o tayo ay nagkaroon ng malaking tagumpay. Ngunit papaano kung may pagsubok? Kinakailangan nito ang sakripisyo ng ating sariling mga damdamin at takot o alalahanin upang mabigyan natin Sya ng buong pansin na nararapat para sa Kanya (Heb. 13:15).
5. Dapat natin sambahin Siya sa kabila ng Sakit at Pagkawala. Ipinakita ni Haring David kung ano ang ibig sabihin ng pagsamba sa harap ng pagkawala at sakit. Siya ay nanalangin ng mataimtim, ngunit namatay pa rin ang kanyang sanggol. Ang pagkawala ng mga mahal sa buhay ay napakabigat na hapis. Ngunit pagkamatay ng sanggol, tumindig si David at pumasok sa bahay ng PANGINOON at sumamba.(2 Sam 12:20) Napakahalaga na sa mga panahon ng sakit at pagkawala ay lumapit tayo sa Diyos sa halip na ‘lumayo’ sa Kanya. Sinabi ni David, “Nararamdaman ko ang labis na sakit, nahihirapan ako, ngunit patungo ako sa Iyo Oh Diyos dahil kailangan Kita ngayon nang higit pa kaysa kailanman.”
6. Ang Pagsamba ay Pagdiriwang kung Sino ang Diyos at Ano ang Ginawa Niya sa ating buhay. Mga kapatid, wag kalimutan ang pagsamba. Yan ang dahilan kaya Nya tayo nilikha at binigyan ng sariling pagpapasya upang kusa tayong mag appreciate, magpasalamat at taus pusong sumamba sa ngalan Niya – Jesus of Nazareth.
“Panginoon, sinasamba kita at patuloy na sasambahin dahil Ikaw ang aking Diyos. Aking luluwlhatiin ka sa aking salita, isip, kaluluwa at sa aking bawat gawa. Amen.” God bless-Pr. Picar
Please follow and like us: