The School of Obedience (First of Four Series)

The Author of Etrenal Salvation
Have a blessed Monday morning brothers and sisters (May 22, 2023)
 .
“Although he was a Son, he learned obedience through the things he endured; And when he was made perfect, he made the eternal salvation of all who obey him.” – Hebrews 5:8-9
 .
From the very beginning when the Lord created man, we read that the Lord commanded him, saying, “You shall not eat of the tree of the knowledge of good and evil, because on the day you eat of it, you will surely die” (Genesis 2:17). God did not place this tree to tempt man, but to let him know that he was endowed with the power to choose, that he was created with “free will,” that he could act freely, that God desired man’s willing obedience. Of course, we choose to follow Him.
 .
The “innocence” of Eve and Adam was taken advantage of by the serpent to deceive them to disobey God. It can be read in Genesis 3:11, that God asked the man, ‘Have you eaten the fruit of the tree, which I commanded you not to eat?’ Here, the Lord shows from the beginning His concern about our obedience.
Note how obedience to the commandment was a condition of man’s stay in the Garden of Eden. This is something his Creator asks of him. Nothing is said of faith, humility, or love: because obedience includes all. Because if there is obedience, there is faith, there is humility and there is love.
 .
This will determine the fate of the person, his direction, and his eternal destination. In human life, obedience is a necessity. Without it in a country, the people will be in chaos, no one submits, no one obeys, and the result is anarchy. Without it in the home, the family will surely be destroyed. The child must obey the parent, the mother must submit to the father, and the father must obey Christ. When there are families that obey, we will have a community that obeys, and we will have a disciplined nation that submits to authority.
 .
From the beginning of human history to the end of the Bible. In its last chapter we can read, ‘Blessed are those who follow His commandments, they will have the right to the tree of life, and they will enter the holy city through the gates’ (Revelation 22:14).
 .
Even in the middle of human history, between the beginning and the end—the cross of Christ. He accomplished the salvation of man through His obedience. Paul said, “He became obedient unto death, even death on the cross (Philippians 2:8). In Romans 5:19, “For as by the disobedience of one man (Adam) the many became sinners, even so through the obedience of one (Last Adam=Jesus) many will be made righteous.” Although he was a Son, yet someone learned obedience through the things he endured; And when he was made perfect, he was the author of ETERNAL SALVATION for all who obey him (Hebrews 5:8-9).
 .
Do you see? We learn how the whole redemption of Christ restores us to obedience, that He restores us to the life of obedience, where only the creature can give the Creator the glory that He deserves, or receive the glory that his Creator wants to share with Him.
 .
From Eden’s Paradise, Christ’s Calvary, and Eternal Heaven, all proclaim one voice: “Son of God! The first and last thing that our God asks of us is simple, universal, and unchanging, it is our obedience.
 .
“Lord, teach me to always obey You, even when I don’t understand Your commands. Help me to trust in Your words. Amen.” God bless – Pr. Picar
 .
Tagalog Translation
 .
Ang Paaralan ng Pagsunod (Una sa Apat na Serye)
 .
Mapagpalang Lunes ng umaga mga kapatid (May 22, 2023)
 .
“Bagama’t siya’y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; At nang siya’y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya.” – Hebreo 5:8-9
 .
Sa pasimula pa lang nang nilikha ng Panginoon ang tao, mababasa na natin na siya ay inutusan ng Panginoon, na sinasabi, “Huwag kang kakain ng bunga ng punungkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama, sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:17). Hindi inilagay ng Diyos ang punungkahoy na ito upang tuksuhin ang tao, kundi ipaalam na siya ay pinagkalooban ng kapangyarihang pumili, na siya ay nilikha na may “free will,” na siya ay makakakilos ng malaya, na inaasam ng Diyos ang kusang pagsunod ng tao. Siyempre, pipiliin natin ang sumunod sa Kaniya.
 .
Ang “innocence” nila Eba at Adan ang sinamantala ng serpente upang sila ay dayain at sumuway sa Diyos.
Mababasa sa Genesis 3:11, na tinanong ng Diyos ang tao, ‘Nakakain ka ba ng bunga ng punongkahoy, na iniutos ko sa iyo na huwag mong kainin?’ Dito, ipinakikita ng Panginoon sa simula pa lang ang Kaniyang concern sa ating pagsunod.
 .
Pansinin kung gaano ang pagsunod sa utos ay ang isang kondisyon ng pananatili ng tao sa hardin ng Eden. Ito ang isang bagay na hinihiling sa kanya ng kanyang Maylalang. Walang sinasabi tungkol sa pananampalataya, o pagpapakumbaba, o pag-ibig: sapagkat ang pagsunod ay kinabibilangan ng lahat. Dahil kung may pagsunod, may pananampalataya, may pagpapakumbaba at may pag-ibig.
 .
Ito ang magde-determine ng kahihinatnan ng tao, ng kaniyang patutunguhan o walang hanggang destinasyon. Sa buhay ng tao, ang pagsunod ay isang bagay na kailangan. Kung wala nito sa isang bansa, ang mga mamamayan ay magkakagulo, walang nagpapasakop, walang sumusunod, ang bunga ay anarkiya. Kung wala nito sa tahanan, ang pamilya ay tiyak na mawawasak. Ang anak ay dapat na sumunod sa magulang, ang ina ay dapat na nagpapasakop sa ama, ang ama ay dapat na sumusunod kay Kristo. Kapag may mga pamilyang sumusunod, tayo ay magkakaroon ng isang komunidad na sumusunod, at magkakaroon ng isang disiplinadong bansang sumusunod sa kapangyarihan.
 .
Mula sa simula ng kasaysayan ng tao hanggang sa pagtatapos ng Bibliya. Sa huling kabanata nito ay ating mababasa, ‘Mapalad ang mga sumusunod sa Kanyang mga utos, sila’y magkakaroon ng karapatan sa punungkahoy ng buhay, at sila ay makapapasok sa banal na siyudad mula sa mga pintuan’ (Apocalipsis 22:14).
 .
Maging sa kalagitnaan ng kasaysayan ng tao, sa pagitan ng simula at wakas—ang krus ni Kristo. Isinagawa Niya ang pagliligtas sa tao sa pamamagitan ng Kaniyang pagsunod. Sinabi ni Pablo, “Siya ay naging masunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus (Filipos 2:8). Sa Roma 5:19, “Sapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao (Adan) ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa (Huling Adan=Jesus) ang marami ay magiging mga matuwid.” Bagama’t siya’y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; At nang siya’y mapaging sakdal, ay siya ang may AKDA NG WALANG HANGGANG KALIGTASAN ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya (Hebreo 5:8-9).
 .
You see? Nalaman natin kung paano ang buong pagtubos ni Kristo ay pinapanumbalik tayo sa pagsunod, na ibinalik Niya tayo sa buhay ng pagsunod, kung saan tanging ang nilalang ay makapagbibigay sa Lumikha ng kaluwalhatian na nararapat sa Kanya, o tumanggap ng kaluwalhatian na nais ng kanyang Tagapaglikha na makibahagi sa Kanya.
 .
Mula sa Paraiso ng Eden, Kalbaryo ni Kristo, at Langit na Walang hanggan, lahat ay nagpapahayag ng isang tinig:
 .
“Anak ng Diyos! ang una at huling bagay na hinihiling sa atin ng ating Diyos ay simple lang, pangkalahatan, at hindi nagbabago, ito ay ang atinh pagsunod.
 .
“Panginoon, turuan Mo akong palaging sumunod sa Iyo, kahit sa mga panahong hindi ko maunawaan ang mga utos Mo. Tulungan Mo akong magtiwala sa mga salita Mo. Amen.” God bless – Pr. Picar
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *